Ito ay isang pagsasalin sa Tagalog ng "Web Style Sheets CSS tips & tricks - Alternative Style Sheets".
Para sa orihinal na bersyon sa Ingles, maaaring tingnan ang: http://www.w3.org/Style/Examples/007/alternatives.html

Ang pagsasalin na ito ay maaaring magkaroon ng mga pagkakamali. Ang tagasalin na si Thomas Ziegler ay hindi maaaring papanagutin sa kahit na anong tuwiran, di-tuwiran, espesyal, o kinalabasang pinsala na dulot ng paggamit ng isinalin na dokumento. Ang orihinal na bersyon sa Ingles lamang ang maituturing na may bisa at may pamantayang pagkukunan ng impormasyon.

Mga Style Sheets sa Web
Mga CSS tips & tricks

(This page uses CSS style sheets)

Mga alternatibong style sheets

Ang isang dokumento ay hindi kinakailangang magkaroon ng nag-iisang style sheet. Maaari itong magkaroon ng isang default na istilo at ilan pang alternatibo na maaaring pagpilian ng mga mambabasa. Halimbawa, ang pahinang ito ay nagtataglay ng lahat ng mga W3C Core Styles bilang mga alternatibo, at dalawa pang style sheets na matatagpuan sa Web (may-akda: David Baron).

Ang pagpili ng mambabasa ng mga alternatibo ay nakasalalay sa browser. Hindi pa lahat ng browser ay nag-aalok ng menu para dito, subalit sa Netscape 6, halimbawa, makikita mo ang lahat ng istilo sa ilalim ng menu "View" -> "Use Stylesheet".

Upang magkaroon ng karagdagang style sheets, nararapat lamang na magdagdag ng maraming elemento ng <LINK> sa header, na may wastong REL at TITLE attributes, katulad ng sa sumusunod. (Hindi ko na isinama ang ilang istilo; tingnan na lamang ang pinanggalingan ng dokumentong ito para sa iba pang karagdagang links.)

  <link rel="stylesheet"
    title="Gold (right, fixed) + navbar"
    href="css/threepart-f.css">

  <link rel="alternate stylesheet"
    title="Oldstyle"
    href="css/oldstyle.css">

  <link rel="alternate stylesheet"
    title="Modernist"
    href="css/modernist.css">
  ...
  <link rel="alternate stylesheet"
    title="Steely"
    href="css/steely.css">

  <link rel="alternate stylesheet"
    title="Forest (by David Baron)"
    href="css/forest.css">

  <link rel="alternate stylesheet"
    title="Plain (by David Baron)"
    href="css/plain.css">

Ang mga grupo ng mga links na pareho ang TITLE ay otomatikong pinagsama sa isang style sheet.

CSS Valid CSS!Valid HTML 4.0!

Bert Bos
created 17 Jan 2001;
last updated $Date: 2008/07/07 15:03:47 $ GMT